patlang.
hai. ang hirap naman ng ganito. nawawala na naman ako.
andito ako sa computer lab. katabi ko ngayon ang inaantok kong mahal. pero dapat wala ako ngayon dito. dapat asa SJ304 ako. nakikinig. nagsusulat. ng sangkatutak na equations na hindi ko naman maintindihan. kung makinig naman ako sa matanda kong propesor, aantukin ako at lalong mawiwindang. kung isusulat ko naman ang lahat ng nsa black board, hindi ko rin naman maiintindihan at baka manghula pa ko sa pat-iinterpret ng aking naisulat.
para san ba to? sagutin mo nga..
pagkatapos kong aralin ito at maipasa, san ko ito gagamitin muli? pag-nag-apply ba ako sa trabaho, ang exam ba nila ay puno ng mga equations na ganito? e IQ test lang naman ang ieexam satin a.. pag-nag-commute ba ako at magbabayad sa drayber, kelangan ko pa bang gamitin ang isa sa pinakasimpleng equations na ibinigay sa klase? nalagpasan ko na ang bababaan ko, hindi parin ako tapos sa pagcocompute. kapag mamimili ba ako ng aking sapatos, kakailanganin ko ba ito sa pagtanda ng size ng aking paa?
hindi naman di ba? so para san ba to?
ang hirap. napakasimple ng buhay. bakit pa natin kelangan gawing kumplikado. hindi ba pwdeng aralin ang mga bagay na makakatulong sa ating pagtanda? mga bagay na maaaring tumulong sa ating bansa?
sana wala na lang anmath3. sana iba na lang. pwd ba? ayoko nang bumagsak. pero para hindi ako bumagsak kelangan kong aralin at kabisaduhin lahat ng formula. kundi ta-tumbling lang ako sa test.
sana wala na lang anmath3. sawa na ko sa anmath. dalawang beses ko nang inaral ang anmath1. dalawang beses ko na rin inaral ang anmath2. pati ba naman anmath3? dyosko!
sana wala na lang anmath. mag gugustuhin ko pa ang accounting, ang poligov, ang philosophy, at iba pang subjects na alam kong magagamit ko sa pagtanda ko. ung tipong matatandaan ko pa siya pag tumanda ako.
pero dahil un ang gusto ng eskwelahang ito, pansamantala ko munang aaralin ang mga formula. mahirap pero dapat ko ata itong aralin, kundi babagsak na naman ako. at malamang uulitin ko ito.
ayoko nang mag-take2! sawa na ako!
---

<< Home